

CONCEPCION INTEGRATED SCHOOL
Secondary Level
SCHOOL RULES AND REGULATIONS
Ang mga sumusunod ay mahigpit na ipinagbabawal sa paaralang ito. Ang sinumang lumabag ay mapapatawan ng kaukulang parusa.
I. MINOR OFFENSES: Parusa – Warning (pasusulatin ng promisory note ng teacher/adviser o POD.
1. Pagkahuli sa klase sa bawat asignatura
2. Panunuya
3. Panggugulo sa klase o pag-iingay
4. Pagkakalat ng basura sa loob at labas ng silid-aralan, canteen etc.
5. Di-pagpila tuwing breaktime, uwian o dismissal
6. Pag-istambay sa mga restricted area (canteen, stairs, hallway)
7. Walang liham ng magulang o doctor na nagpapaliwanag sa pagliban sa klase
8. Pag-chewing gum o bubble gum sa loob ng paaralan
9. Di-pagbati (greetings) sa mga guro, bisita at opisyales ng paaralan
10. Di- pagtuck –in ng panloob na damit (tshirt/sando) sa mga lalaki
11. Pagsusuot ng bullcap o sombrero at iba pang bagay sa loob ng paaralan.
Note: 3 Minor Offenses will merit to one Serious offense
Parusa: Suspension 2-3 days
PTC/Parent Teacher Conference
III. SERIOUS OFFENSES: Parusa – PTC, SUSPENSION 2-3 days.
1. Madalas na pagliban sa klase na walang kadahilanan
2. Pagliban sa klase ng bawat asignatura (cutting classes)
3. Madalas na pagpapahuli sa oras ng pagpasok (tardiness).
4. Di-pagsuot ng tamang uniporme (MAPEH Uniform for MAPEH class only) at ID.
5. Di-tamang paggamit ng pasilidad gaya ng CR, Classroom, Canteen, Library etc.
6. Di-pagsunod sa tamang GUPITAN (3x4 white side wall) tuwing unang Miyerkules ng buwan. Bawal ang kalbo o semi-kalbo sa mga lalaki. Ipinagbabawal din pareho sa mga BABAE at LALAKI ang hair dyeing o pagpapakulay ng buhok. Bawal sa mga BABAE ang gupit lalaki.
7. Madalas na paglabas sa silid-aralan ng walang pahintulot (no student’s pass)
8. Di-pakikiisa sa programa o okasyon ng paaralan sa loob man o sa labas.
9. Paggawa ng mga gawaing nakakasira sa puri ng pagkatao, magulang o paaralan.
10. Pagdadala, paggamit, at panghihiram ng Cellphone, MP3/MP4, PSP at gameboy sa loob ng paaralan tuwing may pasok o klase. Ang sinumang mahulihan ay kukumpiskahin at tanging magulang/guardian lamang ang pwedeng kumuha.
PARUSA:
First offense – warning
Second offense – 1 month bago isauli, suspension
Third or more – at the end of the SY isauli, suspension
11. Pagpunta sa mga lugar sa labas ng paaralan sa oras ng klase. Tulad ng malls, parks, computer and video game establisments. TRUANCY o di pumasok ng paaralan na nakasuot ang uniporme.
12. Pagpasok at paglabas sa di-tamang daanan. Tulad ng MES at Over, in between and Under the bakod.
13. Pagbutas ng tainga at pagsuot ng hikaw sa mga lalaki. Bawal din sa mga babae ang multiple earings. Bawal din ang pagsuot ng hikaw sa dila at body piercing.
14. Pakikipag-away sa loob at labas ng paaralan.
15. Tattoo, rituals, body modification.
16. Pagdadala ng pentel pen, maliban lamang kung ito ay pinadadala ng guro.
17. Di-pagsunod sa iba pang alituntunin ng paaralan na hindi nakasulat dito.
Note: 3 Major Offenses will merit to one Very Serious offense
Parusa: Suspension 3 days
PTC/Parent Teacher Conference
III. VERY SERIOUS OFFENSES:
Parusa – PTC, Expulsion/Expelled/Blacklisted/ SUSPENSION 3 days.
1. Pagsali sa mga samahan na hindi pinahihintulutan at kinikilala ng paaralan gaya ng FRATERNITY, SORORITY, grupo o gang.
2. Kawalan ng respeto sa mga guro, empleyado at opisyales ng paaralan. Gaya ng pambabastos o pagsasalita ng masama (pagmumura)o malalaswa sa guro.
3. Pagsira ng mga pagmamay-ari ng paaralan, gaya ng upuan, CR, silid aralan at iba pa.
4. Pagdadala o paggamit ng mga bagay na ipinagbabawal ng paaralan tulad ng nakakamatay na bagay (baril, kutsilyo, ice pick etc.) droga, alak, sigarilyo at lighter o posporo.
5. Vandalism o pagsusulat sa alinmang bahagi ng paaralan.
6. Pagnanakaw sa loob at labas ng paaralan, pangingikil o pangungutong.
7. Pagsusugal o gambling in any form.
8. Imoralidad o malalaswang gawin.
PAALALA: Ang Blacklisted students ay hindi na tatanggapin sa susunod na School Year.